-- Advertisements --

Bilang parte ng $266 billion economic plan ng India para labanan ang coronavirus pandemic ay mamamahagi ito ng libreng pagkain sa lahat ng migrants sa loob ng dalawang buwan.

Inanunsyo ni Finance Minister Nirmala Sitharman na kaya nilang pakainin ang nasa 80 milyong migrants.

Labis ang takot ng mga informal workers na ito na makaranas ng gutom dahil sa ipinatupad na lockdown sa nasabing bansa.

Tinatayang aabot ng $463 million o halos P23 billion ang pondong inilaan ng gobyerno para sa naturang programa.

Layunin ng second tranche ng inaprubahang economic stimulus measures ay upang tulungan ang mga migrant workers, street hawkers, small traders at mga magsasaka.