-- Advertisements --
Nanawagan ang Indian government sa Iran na palayain na ang tatlo pang crew na kasalukuyan pa ring nakakulong sa nasabing bansa.
Labing-dalawang Indian crew members na lulan ng MT Riah ang dinakip ng Iranian coastguard noong July 13 dahil sa di-umano’y iligal na pag-aangkat nito ng langis.
Una nang pinalaya ng Iran ang siyam sa labin-dalawang crew members ng nasabing oil tanker.
Ayon kay Indian foreign minister Raveesh Kumar, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Iran upang pakawalan na ang natitirang vrew members ng MT Riah.
Hindi naman nagbigay ng rason ang Iranian government kung bakit hindi pa nito pinapalaya ang tatlong crew members.