-- Advertisements --

Nanatili pa ring nahihirapan ang health care system ng bansang India na iniuulat ng mga medical workers at local officials sa kabila ng dumaraming tulong mula sa ibang bansa dahilan para kwestyunin ng mga foreign donors kung saan napupunta ang kanilang ipinapadalang tulong.

Noong nakaraang linggo, dumating sa New Delhi airport ang mga aid supplies gaya ng ventilators, oxygen supplies at antiviral drugs kargado ng military aircraft mula sa Estados Unidos.

Mariin namang itinanggi ng Indian government na nagkaroon ng pagkaantala sa distribusyon ng aid supplies.

Sa katunayan ayon sa Health Ministry ng bansa aabot sa apat na milyong donation items ang naipamahagi na sa 38 health care facilities sa buong bansa.

Subalit salungat ito sa sinabi ng Health Minister ng Rajasthan state, India na si Raghu Sharma na wala pa silang natatanggap na impormasyon o detalye hinggil sa supply mula sa foreign aid.

Bwelta naman ng Health Ministry na nakapagpadala na ng aid supply sa dalawang ospital sa Rajasthan State, sa siyudad ng Jodhpur at Jaipur.

Nais lamang ng mga nasa laylayan ang agarang aksyon mula sa gobyerno at matanggap ang kinakailangang aid supply para sa mga ICU wards kung saan libong mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 ang namamatay kada araw.