-- Advertisements --
Patay ang kickboxer sa India matapos na mawalan na malay sa kasagsagan ng laban nito.
Si Yora Tade ay dinala sa Rajiv Gandhi Government General Hospital sa Chennai matapos na mapatumba sa final match ng National Kickboxing Championship.
Sinubukan ng mga doctor na iligtas ang 24-anyos na kickboxer subalit naging malubha ang tinamo nitong pinsala sa utak at katawan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Arunachal Pradesh chief minister Pema Khandu sa pagpanaw ng 24-anyos na kickboxer.