Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maparami pa ang mga gamit-pandigma nito sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong kagamitan.
Kabilang sa mga target makuha ng AFP ay ang Indian-made short-range missile system at dalawang submarine.
Ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner, Jr., sa ilalim ng AFP Modernization Program – Horizon 3, mayroong nakalaan na pondo ang militar mula P80 billion hanggang P20 billion para sa submarine aquisition. Inisyal na target dito ang mga diesel-electric type ng mga submarine.
Dito ay dalawang submarine ang planong makuha ng militar, kasama na ang basing infrastructure at iba pang logistical needs.
Malaki aniya ang pangangailangan ng bansa na makakuha ng mga submarine dahil na rin sa archipelagic geography na mayroon ang bansa.
Ang pangalawang gamit-pandigma ay ang Akash surface-to-air missiles mula sa Bharat Dynamics na naka-base sa India.
Ayon kay Gen. Brawner, posibleng mag-oorder na ang Pilipinas sa susunod na quarter kung saan inaasahang magkakahalaga ito ng $200 million.