BAGUIO CITY – Walang mintis sa pakikibahagi sa Dugong Bombo ang isang Indian national mula pa noong taong 2014.
Matagumpay na naman na nakapag-donate ng dugo ang dayuhang si Ricky Jolie, 36, mula P. Burgos, Baguio City.
Sinabi niya na naging inpirasyon sa kanyang pagdo-donate ng dugo ang naging katrabaho niyang aktibong blood donor.
Hinangaan ng nasabing dayuhan ang Dugong Bombo dahil sa dami ng mga natutulungang nangangailangan ng dugo.
Samantala, aktibo ring nakibahagi sa Dugong Bombo ang ilang Person’s With Disabilities (PWDs) sa Baguio City.
Sinabi ni Nonito Perez mula Tadiangan, Tuba, Benguet na kahit wala itong perang maitutulong sa ibang tao ay maaari pa rin itong makatulong sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Ang Dugong Bombo 2019 ng Bombo Radyo Baguio at Star FM Baguio ay mayroong dalawang venue partikular sa Malcolm Square, Baguio City at KM5, La Trinidad, Benguet.
Sa ngayon daan daan na ang mga successfull donors sa Baguio at inaaasahang bubuhos pa rin ang mga ito bago magsara ang aktibidad.