-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong “Acts of Lasciviousness” ang isang Indian national matapos manghipo ng isang babae sa loob ng sinehan sa isang mall sa Makati City kagabi.

Nakilala ang suspek na si Krishnamurty Unkili, 46-anyos, may asawa, isang power plant engineer at nakatira sa No.29B Tower 1, The Columns Gil Puyat Avenue, Barangay Bel-air, Makati City.

Sa report na inilabas ng Southern Police District (SPD), bandang alas-7:15 kagabi naganap ang insidente ng panghihipo.

Inireklamo ng biktima na si Cherry Anne San Pedro, 31-anyos, residente ng Barangay Rizal, Makati City ang nasabing Indian national.

Ayon sa biktima , habang nanunuod sila ng sine kasama ang kaniyang asawa bigla na lamang siya nakaramdam na may humahawak sa kaniyang “private part” at ng beripikahin niya ito, kamay pala ito ng suspek.

Kaagad naman dinala ang suspek at ang biktima sa opisina ng mall at tinurn-over sa Womens Children Protection Division ng Makati City Police Office.