-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang Indian national matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Pamukid, San Fernando Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gagandep Sidho Singh.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa pulisya, nabatid na nasa loob ng kanyang kotse na nakaparada sa tabi lamang ng daan ang biktima nang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na agad naman isinugod sa ospital ngunit hindi na naisalba pa ang buhay.

Sa ngayon, nagpapatuoy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.