-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Russia si Indian Prime Minister Narendra Modi sa susunod na linggo.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita si Modi mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.

Ayon sa Ministry of External Affairs na mula Hulyo 8-9 ay magtutungo si Modi sa Russia base na rin sa imbitasyon ni Russian President Vladimir Putin.

Pinagkakatiwalaan kasi ng India ang Russia sa mga armas ng kanilang military at ang pagbibili ng murang krudo mula sa Russia.

Itinuturing na isang malaking hamon ang pagbisita ni Modi sa Russia dahil sa naging mahigpit ang relasyon ng India sa US.