Nakatakdang bumisita sa Ukraine si Indian Prime Minister Narendra Modi.
Ayon sa Ministry of External Affairs ng India, isasagawa ang pagbisita sa darating na Agosto 23.
Mismong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nag-imbita kay Modi na bumisita sa kanilang bansa.
Ito ang unang pagkakataon na bibisita si Modi mula ng magsimula ang giyera.
Layon aniyang pagbisita ay para mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.
Una rito ay umani ng batikos si Modi noong ito ay bumisita rin sa Russia at nakitang niiyakap niya si President Vladimir Putin.
Umaasa kasi ang India sa Russia sa mga armas na kanilang pinagkukuhanan.
Makailang beses na ring nanawagan si Modi ng ceasefire sa dalawang bansa subalit hindi nito kinokondina ang mga ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.