-- Advertisements --

Dumating na sa Russia si Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita si Modi mula ng atakihin ng Russia ang Ukraine.

Sa dalawang araw nito sa Russia ay magkakaroon ito ng private dinner kasama si Russian President Vladimir Putin.

Pag-uusapan ng dalawa ang pagpapalalim pa ng kanilang relasyon.

Nanatiling umaasa kasi ang India sa Russia ng kanilang military equipment.

Huling nagkita ang dalawang lider ay noong 2022 sa pagpupulong sa Uzbekistan.