-- Advertisements --
PM Modi
PM Modi/ IG post

Pinasalamatan ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang bumoto sa kaniya matapos ang muling pagkakahalal niya sa katatapos lamang na halalan.

Sa kaniyang talumpati sa Bharatiya Janata Party (BJP) headquarters sa New Delhi, labis ang pasalamat niya sa 1.3 billion na mamamayan niya na bumuto sa kaniya.

Tiniyak ni Modi sa kaniyang panibagong limang taong panunungkulan ay makakamit ng India ang magandang kinabukasan.

Tinanggap naman ni Rahul Gandhi ang kaniyang pagkatalo sa halalan kay Modi.