-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa sa kaniyang ikatlong termino bilang Prime Minister ng India si Narendra Modi.

Ginanap ang panunumpa ng leader ng Bharatiya Janata Party sa presidential palace sa Delhi.

Nanguna ang kaniyang partido sa National Democratic Alliance sa ginanap na general election na mayroong 293 seats habang ang oposisyon ay mayroong 234 seats.

Ilang libo ang dumalo sa inaugurations na ang iba ay mga pinuno sa katabing bansa gaya sa Bangladesh, Nepal, Sri Lanka at Maldives.

Ang 73-anyos na si Modi ay siyang pangalawang Indian leader na nagwagi ng ikatlong magkasunod na termino na ang una ay si Jawaharlal Nehru.