-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating Wimbledon doubles champion Sania Mirza na ito ay magreretiro na.

Ayon sa kilalang tennis star ng India na tatapusina lamang niya ang mga torneo ngayong 2022 at tuluyan ng magreretiro.

Isinagawa nito ang anunsyo matapos ang pagkatalo sa unang round ng Australian Open.

Dagdag pa ng 35-anyos na si Mirza na nais niyang salihan ang mga torneo ngayong 2022.

Siya ang unang Indian na nagwagi ng WTA singles title noong 2005.

Noong 2016 Rio Olympics ay muntik na itong makakuha ng gold medal ng makalaro niya sa doubles kasama si Rohan Bopanna sina Venus Williams at Rajeev Ram pero sila ay natalo.