Nagtamo ng injury sa kanilang balikat ang beteranong US Harrison Ford habang isinasagawa ang bagong pelikulang “Indiana Jones”.
Ayon sa Walt Disney Co. na magkakaroon sila ng adjustment dahil sa nangyari sa 78-anyos na actor.
Kanila ring agad dinala sa pagamutan ang actor matapos ang insidente.
Magugunitang makailang beses ng naantala ang pagpapalabas ng pelikulang ika-limang “Indiana Jones” dahi sa COVID-19 pandemic.
Nagsimula ang paggawa ng peilkula ngayong buwan sa London at inaasahan na maipalabas ito sa July 2022.
Unang gumanap ang actor sa nasabing pelikula noong 1981 na sinundan pa ito noong 1984, 1989 at 2008.
Hindi lamang ito ang unang beses na nagtamo ng injury ang actor dahil noong 2014 ay napilay ito sa paa habang ginagawa ang pelikulang “Star Wars: The Force Awakens”.