-- Advertisements --
image 340

Ipinamalas ng Indiana Pacers ang kanilang matibay na depensa matapos nilang talunin ang katunggaling Chicago Bulls sa score na 116-110 sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.

Pinangunahan ng point guard player ng Pacers na si T.J. Mcconnell ang kanyang team at umiskor ito ng kabuuang 20 points , dalawang rebounds at 10 assist.

Pomoste naman ng solidong 33 points, 5 rebounds at 3 assist ang small forward player ng Bulls na si Demar Derozan ngunit bigo pa rin ang kanilang team na maungusan ang pursigidong kalaban.

Nakuha ng Bulls ang una at pangalawang quarter ng game habang nasungkit naman ng Pacers ang ikatlo at ika-apat habang naitala ng Pacers ang kanilang record na 24 wins at 25 loses ngayong season ng National Basketball Association.

Matatandaan naman na tinalo ng Bulls ang koponan ng  Pacers sa Game 1 nito noong oktubre ng nakaraang taon.

Samantala, ang naturang laban ngayong araw ay ginanap sa Gainbridge Fieldhouse Arena na mismong balwarte ng Pacers at pinanood ng mahigit 16,102 na NBA fans.