-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Lucena District Office ang isang indibidwal dahil sa pagkakasangkot nito sa prostitusyon ng menor de edad.

Kinilala ang suspek na si JOMAR LEDDA alyas “OMAR” na residente ng Lucena City.

Ito ay dahil sa paglabag umano nito sa R.A. 9208, na inamyendahan ng R.A. 10364 o kilala bilang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na may kaugnayan sa R.A. 7610.

Nabisto ng Intelligence information ng National Bureau of Investigation – Lucena District Office ang suspect na nagre-recruit at nag-iimpluwensya sa mga batang babae sa Lucena City na makipagtalik sa ibang lalaki kapalit ng pera.

Karamihan sa mga binubugaw nito ay nasa 17 taong gulang pababa para sa P2000 pesos kapalit ng pakikipagtalik nito.

Kaagad nga na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng NBI at nagresulta ito sa pagkaka-aresto ng suspect.

Iniharap na rin ito sa inquest proceedings sa Prosecutor ng Office of the City Prosecutor sa Lucena City.

Sinampahan rin ito na kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children.