Matagumpay na inaresto ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang lalaki na gumagawa umano ng pekeng drivers license sa lungsod ng Maynila.
Ang suspect ay kinilala ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II bilang si Jeric Baluyot.
Nabitag ang suspek sa kanyang bahay sa Adelina Street, Brgy. 467, Zone 46 sa Maynila.
Matapos ang ikinasang operasyon, nakuha sa pag-aari nito ang mga pinekeng driver’s license at pekeng mga Official Receipt ng LTO para sa rehistro ng sasakyan, smartphones, at iba pang equipment na ginagamit sa illegal na aktibidad ng nasabing suspek.
Ang suspek ay mahaharap naman sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Sinabi ni Mendoza na magsilbi sanang babala sa lahat ng magtatangkang gumawa ng ganitong uri ng ilegal na gawain.