-- Advertisements --

Hindi bababa sa pitong indibidwal ang namatay nang bumagsak ang isang medevac plane sa Philadelphia noong Biyernes, kabilang ang anim na Mexican na sakay ng eroplano at isang tao na nasa ground, ayon sa presidente ng Mexico at alkalde ng Philadelphia nitong Sabado. 

Sinabi ni Philadelphia Mayor Cherelle Parker sa isang press conference na ang taong namatay sa ground ay nasa kotse sa lugar na pinagyarihan ng pagbagsak ng eroplano. 

Hiniling naman ni Mexican President Claudia Sheinbaum sa mga opisyal ng consular na suportahan ang mga pamilya ng anim na Mexico citizens na nasa eroplano at namatay nang bumagsak ito.

Sinabi ng Jet Rescue Air Ambulance, na nakabase sa Mexico at lisensyado na mag-operate sa U.S., na bumagsak ang aircraft kasama ang apat na tripulante, isang pediatric medical patient at ina ng pasyente.