Itinuturing ng Public Attorney’s Office (PAO) na vindication para sa kanila ang anunsyo ng Deparmtent of Justice (DoJ) na mayroon umanong sapat na basehan upang kasuhan si dating Health Sec. Janette Garin hinggil sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay PAO chief Persida Rueda–Acosta, ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban kina Garin at 19 iba pa ay patunay na hindi raw sila ang nagdulot ng takot sa publiko ukol sa pagpapabakuna.
Kumpiyansa rin si Acosta na kayang mapatunayan ng mga DoJ prosecutors sa korte ang pagkakasala ng mga akusado.
Sa kabila nito, maghahain daw sila ng partial motion for reconsideration dahil sa hindi nila ikinatuwa ang pag-abswelto kay kasalukuyang Health Sec. Francisco Duque at sa iba pang mga health officials.