BAGUIO CITY – Humakot ng parangal ang pelikulang “The Baseball Player” ni Direk Carlo Obispo sa katatapos na 18th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.
Nakuha nito ang top award ngayong taon kung saan ito ang nanalo bilang Best Film sa full-length feature film category.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Direk Carlo, ibinahagi nito kung paano nabuo ang konsepto ng kanyang obra.
Sinabi rin nito kung ano pa ang kanyang gustong makamit sa industriya ng pelikula.
“The film was inspired by the all-out war that took place when I was in college. As a filmmaker, gusto ko lang makatulong sa industry na mag-educate and to bring more audiences to independent or alternative film making.”
Maliban sa Best Film award, nasungkit rin ng pelikula ang Best Actor Award para kay Tommy Alejandrino, Best Screenplay at Best Editing sa pamamagitan ni Zig Dulay.
Samantala, nagbahagi rin ito mensahe sa mga aspiring filmmakers sa bansa.
“Kapag nakaramdam kayo na gusto niyo maging filmmaker o kaya writer, bigyan niyo iyan ng chance. Put hard work to it and passion and everything else will follow.”