CENTRAL MINDANAO – Pormal ng nanumpa si Daniel Saliling bilang indigenous people’s mandatory representative (IPMR) sa bayan ng Kabacan, Cotabato sa ikalawang termino nito.
Sa harapan ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman nanumpa si Saliling at kanyang siniguro ang suporta ng bawat miyembro ng indigenous people sa kaunlaran ng bayan.
Dagdag pa ni Saliling, sa panahon ng Unlad Kabacan ay tuluyang nabura ang diskriminasyon sa kanilang mga miyembro ng IP na kung saan naging daan upang mas kilalanin ang kanilang sektor na kaisa sa kaunlaran.
Nagpasalamat naman si Mayor Gelyn sa suporta at dedikasyon ni Saliling na aniya malaki ang naitutulong sa bayan sa usapin ng kasarinlan ng bawat IP.
Sinaksihan naman ni MLGOO Ranulfo Martin ang panunumpa ni Saliling.
Si Saliling ang magiging miyembro ng sangguniang bayan ng Kabacan bilang ex-officio member at IPMR.