-- Advertisements --
image 182

Umaasa ang mga Indigenous People’s (IPs) sa buong bansa na madinig ng pamahalaan ang kanilang mga hinanaing matapos nilang magsadya sa labas ng tanggapan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.

Ito’y kahit hindi niya nakaharap ang kalihim matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Mica Sumanday, secretary ng United Indigenous Peoples ng Luzon Visayas at Mindanao o UIP-LuzViMin, nagmartsa sila papuntang Maynila upang mapa-abot sana ng personal sa kalihim ang kanilang mga hinaing lalo na ang pang-aabuso ng mga armadong grupo, ibang opisyales ng gobyerno at yaong mga land-grabbers.

Inaagawan umano sila sa kanilang karapatan sa kanilang ancestral lands matapos binu-bulldoze ang kanilang mga tribal houses at burial grounds.