-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 1,100 indigent families sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao ang tumanggap ng Ramadan food packs.

Mismong ang mag-amang Mayor Datu Ohto Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal ang nag-abot ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

Taon-taon itong ginagawa ng Father and Son Cares tuwing nakatakdang sasapit ang pag-aayuno ng ating mga kapatid na muslim ng Holy Month of Ramadan.

Bahagi rin ito ng panata ng unang Ginang ng bayan Bai Krestil Montawal na makatulong sa mga mahihirap na pamilya na may makain tuwing sasapit ang takipsilim at madaling araw ng buwan ng ramadan.

Samantala,paalala ni Mayor Datu Ohto Montawal na kahit abala sila sa kampanya kontra Covid 19 ay mas lalo pa nilang pinaigting ang war on drugs, pagsawata sa ilegal na sugal, kriminalidad at terorismo.