LA UNION – Isasagawa ngayon araw ang isang indignation rally upang kondinahin ang pagkakapaslang sa Association of Barangay Captains (ABC) President at Punong Barangay sa Pagdalagan Sur sa bayan ng Bauang, La Union.
Ito ang napag-alaman kay Bauang Vice Mayor Henry Bacurnay sa panayam ng Bombo Radyo La Union.
Ayon kay Bacurnay, isasagawa ang indignation rally o black monday protest sa harap mismo ng municipal hall pagkatapos ng flag raising ceremony kung saan dadaluhan ito ng lahat ng empliyado ng munisipyo na nakasuot ng itim na damit upang ipakita na kinokondina nila ang pagpaslang kay Noel “Wowie” Gallardo.
Una rito, binaril ng suspek na si Jeffrey Escobal ng Aurora, Isabela, si Gallardo habang ito ay naglalaro umano ng slot machine sa loob ng e-games casino ng isang resort sa nabanggit na bayan kung saan gumamit ng bogus na identity si Escobal upang ilihis ang kaugnayan nito sa krimen.