-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng pulisya sa Bulan, Sorsogon ang nangyaring insidente ng indiscriminate firing sa lugar, ilang distansya lamang ang layo sa detachment ng CAFGU unit.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay P/Maj. Joel Triñanes, hepe ng Bulan PNP, bandang alas-7:00 gabi ng Lunes ng mangyari ang insidente na narinig sa Brgy. San Isidro ng naturang bayan.

Nasa 500 metro aniya ang distansya sa kampo ng armadong mga kalalakihan na nagpaputok ng baril.

Hindi naman pinatulan ng mga kasapi ng CAFGU sa lugar ang paghahamon ng mga suspek na tumagal lamang ng ilang segundo.

Naniniwala naman ang hepe na bahagi lamang ang hakbang ng taktika ng grupo upang pahabulin ang mga CAFGU.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente habang hindi na nagsagawa ng pursuit operation ang mga otoridad.

Samantala, pinaniniwalaang isang grupo lang ang nagsagawa ng pagpapaputok ng baril sa Bulan at bayan ng Magallanes, matapos lamang ang ilsang oras.