-- Advertisements --

indo pac2

Matagumpay ang dalawang araw na 44th Indo-Pacific Armies Management Seminar kasama ang United States Army Pacific.


Nagkasundo ang mga Army leaders at ang United States Army Pacific (USARPAC) na palakasin pa ang kanilang multilateral engagements at relationship para manatiling secured and stable ang rehiyon.

Ang mga bansang dumalo sa Indo-Pacific nations ay ang Australia,Bangladesh, Bhutan, Brunei , Burma, Canada, China, Chile, Cook Islands, Fiji, France, Polynesia, India, Indonesia, Japan, Kiribati, Laos, Malaysia, Maldives, Marshall Islands, Micronesia, Mongolia, Nauru, Nepal, New Zealand, New Caledonia, Niue, Korea, Pakistan, Palau, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Samoa, Singapore, Solomon Islands, South Korea, Sri Lanka, Thailand, Timor-Leste, Tonga, Vanuatu, Vietnam, at United States.

Layon ng mga participants na makakuha ng mga bagong insights at mga best practices sa kung papaano ang Armies ma improve pa ang kanilang magandang relasyon sa isat isa lalo na ang pagharap at pagtugon sa mga challenges sa mga urban environments lalo na ang man-made disaster.

INDO PAC1

Tinalakay nina Mr. Patrik Mahaney mula sa Columbia University at Mr. John Spencer mula sa United States Military Academy Urban Warfare Studies ang role ng Armies sa pagbibigay suporta sa mga sibilyan lalo na sa mga natural disasters at Armies rehabilitation post urban operations.

Pinasalamatan naman ni US ARMY PACIFIC Commander Gen. Paul LaCamera ang mga Army leaders na dumalo sa pulong na kanilang pinag-usapan ang climate changes, pandemic at ang mga makabagong teknolohiya.

Ayon kay LaCamera ang positive outcome ng nasabing conference ay makikita sa magiging future actions ng mga armies sa Indo-Pacific regions.

Ayon naman kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang pagdalo sa pulong ng mga Army leaders ay patunay na nagkakaisa sila sa iisang adhikain para maging secured and stable ang rehiyon.