Pumirma na ng kasunduan ang Pilipinas at Indonesia para sa tuluyang pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa bansa.
Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez , nakapulong niya si Indonesian senior law and human rights minister Yusril Ihza Mahendra sa Jakarta at doon isinagawa ang pirmahan ng kasunduan .
Matapos ang pirmahan ay magkakaroon ang mga otoridad ng pag-uusap sa ilang mga detalye sa embahada ng Pilipinas sa Jakarta ukol sa paglilipat kay Veloso.
Maaring hindi na aabot pa sa Disyembre 25 ay maililipat na sa bansa si Veloso.
Dagdag pa ni Yusril na nakasaad sa kasunduan ang pagkakaroon ng buong obligasyon ng Pilipinas sa pagbibigay ng gabay kay Veloso.
Paglilinaw pa ni Vazquez na walang inilaan na kondisyon ang Indonesian government sa paglilipat kay Veloso.
Si Veloso ay nailigtas noon sa parusang kamatayan dahil sa pagbitbit ng iligal na droga noong 2015 sa Indonesia.