-- Advertisements --

Dinagdagan ng Indonesia ang kanilang pagpapatrolya sa Natura Island na matatagpuan sa West Philippine Sea.

Kasunod ito sa pagkakadiskubre ng presensiya ng mga barko ng China at US sa lugar.

Ayon kay Indonesian Navy western fleet commander Arsyad Abdullah na mayroong limang navy vessels na binabantayan ng air patrol ang nakakalat na sa North Natuna Sea.

Ang nasabing lugar kasi ay pag-aari ng Indonesia kaya karapatan nila na protektahan aniya ito.

Magugunitang isa ang nasabing lugar na sinasakop ng China kung saan nagtayo ang mga ito ng isla.