-- Advertisements --
Gumamit ng kakaibang panakot ang isang bayan sa Indonesia para hindi na makalabas pa ang mga tao dahil sa ipinapatupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.
Inilunsad ng mga opisyal sa Kepuh village sa Java Island ang isang uri ng “ghost” na ang tawag ay ‘pocong’.
Ang nasabing uri ng multo ay nakabalot sa puting tela na tuamatayo bilang pagkulong sa kaluluwa ng isang tao.
Isang taktika na ginagawa ngayon ng mga opsiyal ng lugar ay iniikot sa iba’t-ibang lugar ang nasabing multo para takutin ang mga residente doon.