-- Advertisements --

Inaprubahan ng Indonesia ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech para iturok sa mga bata edad 6-11.

Isinagawa ang pag-apruba matapos ang dalawang buwan sa trial-in-person na pag-aaral ng mga health experts ng Indonesia.

Sinabi ni Health minister Budi Gunadi Sadikin na posibleng sa susunod na taon ay masisimulan na ang pagpapabakuna sa mga bata.

Bukod sa Indonesia ay inaprubahan na ng Chile at Cambodia sinovac na iturok sa mga bata.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng US ang pagtuturok sa mga edad 5-11 ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech.