-- Advertisements --

Pinalitan na ng Indonesia ang kanilang capital na mula sa dating Jakarta ay inilipat na nila ito sa Kalimantan.

Matatagpuan ang Kalimantan sa mala-gubat na lugar sa silangang bahagi ng Borneo Island.

Ang nasabing hakbang ay inaprubahan ng mga mambabatas dahil sa dumaraming mga naninirahan na sa Jakarta at nagiging political center na ito kaya nagpasya sila na maghanap ng bagong capital.

Ibinase ng mga mambabatas sa ilang konsiderasyon ang paglipat ng capital city gaya ng regional advantages at kapakanan ng mga tao.

Noon pang 2019 ng ianunsiyo ni Indonesian President Joko Widodo ang plano nilang magkaroon ng bagong capital.