-- Advertisements --
Naungusan na ng Indonesia ang India sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.
Nagtala kasi ang Indonesia ng 54,517 na bagong kaso sa loob ng isang araw.
Dahil dito ay itinuturing pa rin na ang Indonesia bilang epicenter ng COVID-19 sa Asya.
Maraming eksperto ang nagsabi na kaya dumami ang kaso sa Indonesia dahil sa hindi sila nagpatupad ng lockdown at contact tracing.
Nagkakapunuan na ngayon ang mga pagamutan sa Indonesia kung saan sa 120,000 na hospital beds ay mayroong 90,000 na ang napuno.