-- Advertisements --
Plano ngayon ng gobyerno ng Indonesia na bawasan ang quarantine period ng mga nagtutungo sa kanilang bansa.
Lahat aniya ng mga dayuhan o mamamayan nila na mayroon ng booster shots ng COVID-19 ay magiging tatlong araw na lamang ang quarantine days mula sa dating limang araw.
Magsisimula aniya ang nasabing bagong panuntunan sa Marso 1 dahil sa patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Luhut Pandjaitan, ang senior minister in charge ng coordinating COVID-19 efforts ng Indonesia na maaaring tanggalin na ang quarantine sa Abril 1 kapag tuluyang gumanda ang sitwasyon.
Bumaba na rin ang mga kasong naitatala sa Java at Bali dahil umano sa malawakang vaccination program nila.