-- Advertisements --

Umapela si Indonesian President Joko Widodo sa mga mayayamang bansa na ibahagi ang kanilang mga bakuna sa mga mahihirap na bansa.

Hindi nito maiwasan na batikusin ang hindi pantay na pamamahagi ng bakuna kung saan kakaunti lamang ang mga bansa na nakakakuha ng mga bakuna habang ang ibang bansa ay maliit lamang na bilang ang nasabing bakuna.

Isa ang Indonesia sa pinakamatinding tinamaan ng COVID-19.

Dagdag pa nito na may mga tulong din na ibinibigay ang mga mayayamang bansa subalit hindi ito sapat.