-- Advertisements --

Napiling maghost ng 2021 FIBA Asia Cup ang bansang Indonesia.

Gaganapin ang nasabing torneo mula Agosto 16-28 kung saan lalahukan ito ng 16 na mga koponan m ula Asia at Oceania.

Dahil sa host ang nasabing bansa ay otomatikong kasama ang Indonesia a 16 na koponan kasama ang Lebanon at Bahrain.

Isa kasi ang Indonesia na kasama ng Japan at Pilipinas na magiging host ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ito na ang pangalawang beses na maging host ang Indonesia sa FIBA Asia Cup an ang una ay noong 1993 ng talunin ng China ang DPR Korea sa Final.