-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol sa Kepulauan Babar, Indonesia.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Center (EMSC), tumama ang lindol sa Banda Sea at may lalim ito ng 117 km.
Dahil sa nasabing pagyanig, maraming residente ang lumikas sa kanilang mga bahay.
Nilinaw naman ng Indonesia Tsunamin Service Provider na walang dapat ipag-alala dahil hindi magdudulot ng tsunami ang nasabing lindol.