-- Advertisements --
Ipinagbawalan ng Indonesia ang mga bisita na galing sa ibang mga bansa para maiwasan ang pagkalat ng panibagong uri ng coronavirus.
Sinabi ni Indonesia foreign minister Retno Marsudi, na magiging epektibo ang nasabing travel ban mula Enero 1 at magtatapos ito ng hanggang dalawang linggo.
Noong Marso ay ipinagbawalan na rin ng Indonesia ang pagpasok ng turista na galing sa ibang bansa para hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Umabot na rin sa 5,854 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan mayroong 215 dito ang nasawi.