-- Advertisements --
Pinagbawal ng Indonesia ang lahat ng air,land, sea travel para hindi na kumalat pa ang virus.
Ang nasabing temporary ban na magsisimula ngayong Biyernes na magtatapos ng hanggang Hunyo 1.
Pinangangambahan kasi ng Indonesian government na lalo pang tataas ang kaso ng coronavirus dahil sa pagsisimula ng taunang Eid al-Fitr.
Paglilinaw ng gobyerno na hindi sakop ng nasabing travel ban ang mga emergency, diplomatic at cargo transport.