-- Advertisements --
Tinanggal na ng Indonesia ang kanilang ban sa Boeing 737 Max.
Ito ay matapos ang mahigit tatlong taon sa naganap na pagbagsak ng Lion Air na ikinasawi ng 189 pasahero nito.
Maging ang kanilang best-selling na eroplano na 737 Max ay na-grounded sa buong mundo dahil sa pagbagsak ng Ethipian Airlines noong March 2019.
Bukod kasi sa Indonesia ay sumama na rin ang Japan, India, Malaysia, Singapore at Australia na nagtanggal na rin ng ban sa 737 Max.
Paglilinaw naman ng gobyerno ng Indonesia na dapat ang mga 737 Max ay maging airworthiness kung saan regular na masasagawa ng inspection ang mga otoridad.