Darating sa Pilipinas bukas, October 15, ang Indonesian training ship na KRI Bima Suci.
Inaasahang tutuloy sa Port of Manila ang naturang barko at mananatili sa bansa hanggang October 18.
Ang Bima Suci ay nagsisilbing training vessel ng Indonesian Navy. Tinatawag din ito bilang Floating Ambassador of Goodwill.
Ang pagdating nito sa Pilipinas ay bahagi rin ng selebrasyon sa 75 years na diplomatic relationship ng bansa at Indonesia.
Ayon kay Indonesian Ambassador to the Philippines Adus Widjojo, kaisa ng Pilipinas ang Indonesia sa paghahangad na sundin at respetuhin ang maritime laws at mga martime agreement, lalo na at magkapareho ang mga ito ng maritime border.
Ang Pilipinas at Indonesia ay kapwa mga claimant sa West Philippine Sea.
Gayonpaman, maayos ang ugnayan sa pagitan ng mga ito at regular ang mga isinasagawang joint military/naval exercises.