-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Pinayuhan ng ilang diplomat ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na ikonsidera ang social media upang mas lalo pang maipakilala ang isla ng Boracay sa buong mundo.

Ang pahayag ni Ambassador Agus Widjojo ng Indonesia sa Diplomatic and Business Forum kamakailan lamang na ginanap sa Boracay ay dahil sa hindi na napabilang ang tanyag na isla sa mga nangungunang top local travel destination para sa mga dayuhang turista.

Kailangan aniya ang positibong feedback mula sa mga social media influencers upang mas pang mahikayat ang mga dayuhan na dayuhin ang Boracay lalo na sa mga hindi pa nakapunta ay magkainteres na bisitahin ang isla.

Samantala, batay sa destination management companies ay nakita nila ang pagpalit ng travel preferences ng mga foreigners na karamihan sa mga ito ay tumatawid na lamang sa ibang isla gaya ng Palawan, Bohol at Siargao na nabatid na may mas mahal ang travel expenses kaysa sa Boracay.

Sa inilabas na datos ng Department of Tourism sa regional distribution of overnight travellers, ang most popular destination para sa international travelers noong 2023 ay ang Palawan, Bohol, Siargao at iba pang tourist destination sa buong bansa.