-- Advertisements --
image 217

Ipinaabot sa gobyerno ng Pilipinas ni Indonesian Ambassador to the Philippines Agus Widjojo na sinipa na rin ng Indonesia ang serbisyo ng IT provider ng Land Transportation Office.

Ayon kay Ambassador Widjojo, nabigo kasi ang Dermalog na maibigay ang requirements na hinihingi ng Indonesian government .

Partikular ang hinggil sa paglalabas ng Dermalog ng ID system sa National Police Criminal Investigation Agency, para sa Indonesia Automatic Fingerprint Identification System (INAFIS) mula 2005 to 2012.

Nabatid na nagkaroon din ng problema ang nasabing LTO contractor sa pagbibigay ng serbisyo sa Haiti at Angola.

Iginiit naman ni Ariel Lim, pangulo ng National Public Transport Coalition (NPTC) , na matapos ang 14 extensions at mahigit na dalawang taong delay, hindi pa rin nabubuo ng German contractor Dermalog ang integrated system para sa LTO na siyang nakakaapekto sa pagproseso driver’s license at renewal ng rehistro ng mga sasakyan.

Nakapag bayad na rin aniya ang LTO ng 80% ng P3.4 bil­yon para sa nasabing kontrata.

Ayon pa kay Lim, dahil sa kabiguan ng Dermalog na sumunod sa kontrata, apektado ang pagpoproseso ng driver’s licenses at motor vehicle registrations.

Nagiging dahilan din aniya ito ng pag­laganap ng korapsyon sa ahensya, gayundin ng lalo pang pagdami ng mga colorum na public transport at maging pagtaas ng kaso ng carnapping.