-- Advertisements --
tawi1

Narescue ng mga otoridad sa Tawi-Tawi ang 15-anyos na batang lalaki na isang Indonesian national kaninang alas-6:30 ng umaga sa Kalupag Island, Languyan,Tawi-Tawi.

Kinilala ni Wesmincom Chief Lt.Gen. Corleto Vinluan ang narescue na menor-de-edad na si Mohd Khairuldin.

Kasalukuyang nasa headquarters ng 2nd Marine Brigade ang dating bihag para isailalim sa debriefing at medical procedure.

Missing ang nasabing bata matapos lumubog ang sinakyan nilang bangka mula Sulu patungong Tawi-Tawi.

khairul 1

Ayon kay Vinluan ang matagumpay na pag rescue sa huling Indonesian kidnap victim ay bunsod sa walang tigil na effort ng AFP at PNP.

Si Khairuddin ay kabilang sa limang Indonesian crew members na dinukot ng mga teoristang Abu Sayyaf sa karagaratan ng Tambisan,Lahad Datu sa Malaysia.

” We are happy that all the hostages are safe now and we are also able to neutralize the notorious “Apo Mike” and tow of his comrades,” wika ni Lt.Gen. Vinluan.

Sa presensiya ni AFP chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana, tinurn over ang narescue na batang Indonesian.

Una ng iniulat ng Joint Task Force Sulu na missing ang nasabing bata, matapos lumubog ang sinakyan nilang bangka mula Sulu patungong Tawi-Tawi.

Una ng sinabi ni JTF Sulu Spokesperson Lt. Jerrica Angela Manongdo na batay sa inisyal na debriefing sa mga kidnap victims, kanilang kinumpirma na may kasama silang bata sa bangka.


Sinabi ni Manongdo nahiwalay sa grupo ang nasabing bata matapos lumubog ang kanilang bangka sa karagatan ng Tawi-Tawi.
Bukod sa batang si Khairul, posibleng may iba pang indibidwal ang nawawala o missing.

” He was separated when their boat capsized. Forces in Tawi-Tawi are still trying to search for the missing personalities,” mensahe ni Manongdo.

Sa kabilang dako, naka -alerto din sa ngayon ang mga otoridad sa Sulu hinggil sa lima pang ASG members na kasama sa grupo ni ASG sub-leader Suhud Salasim ang posibleng babalik ng Sulu.