-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Myanmar si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi.

Isasagawa ito sa araw ng Huwebes kung saan siya ang magiging kauna-unahang foreign official na dadalaw sa bansa mula ng magkaroon ng military take over.

Agad naman ito aniya aalis matapos ang pakikipag-usap sa ilang opisyal ng Myanmar.

Isinusulong kasi ni Retno sa mga bansa sa Southeast Asia na magkaroon ng pagpupulong sa Myanmar at ang planong pagtatalga ng mga opisyal ng Jakarta para matiyak na magkaroon ng mapayapang halalan sa Myanmar.

Magugunitang iminungkahi ng ruling military council na magsasagawa sila ng bagong halalan para ipasakamay sa mananalo ang pamamahala ng bansa.