-- Advertisements --

Naipadeport na ng Bureau of Immigration ang isang Indonesian fugitive na kabilang sa 42 na banyaga na naaresto sa ikinasang operasyon laban sa isang business process outsourcing(BPO) sa Bagac, Bataan.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Viado, ang naturang banyaga ay kinilalang si Handoyo Salman, 40 anyos.

Ito ay pinaghahanap sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa scamming activities,money laundering, at online na pagsusugal.

Ang naturang kautusan ay dahil sa pagkakatalaga nito bilang undesirable alien.

Samantala, nagpapatuloy naman ang deportation proceedings sa iba pang mga naarestong banyaga.

Una nang ipinag-utos ng Malacanang ang pagpapauwi sa mga banyaga sa kani-kanilang mga bansa .