-- Advertisements --

Tinanggal na ng Indonesia ang pagpilit ng mga paaralan na pagsuotin ng Islamic “hijab” headscarves ang mga kababaihang mag-aaral.

Kasunod ito ng kaso ng isang Christian pupil na pinilit na pagsuotin ng hijab na umani ng batikos.

Sinabi ni Indonesian education minister Nadiem Makarim na mahaharap sa kaparusahan ang anumang paaralan na lalabag sa nasabing batas.

Ikinatuwa ng ilang grupo ng kababaihan ang nasabing hakbang ng gobyerno dahil ito ay isang paraan umano para protektahan ang karapatan ng mga kababaihan.