-- Advertisements --

Nakatakas mula sa kaniyang mga kidnappers ang isang bihag na Indonesian matapos magkaroon ng pagkakataon.

Narekober ang kidnap victim sa may Sitio Tubig Bual, Barangay Bual, Luuk, Sulu nitong alas-7:30 ng Huwebes ng umaga ng mga operating units ng Marine Battalion Landing Team (MBLT)-3 sa pakikipagtulungan ng Sulu Police Provincial Office.

Kinilala ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana ang narekober na Indonesian na si Usman Yusuf, 35-anyos.

Dinukot si Yusuf ng mga bandidong Abu Sayyaf sa karagatan ng Sempornah, Sabah, Malaysia nuong Setyembre 11.

Kaagad namang dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital si Yusuf para sa sumailalim medical check-up.

Sa paglaya ni Yusuf nasa anim na mga kidnappers na lamang ang nananatili sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Sa anim na mga bihag, tatlo dito ay mga banyaga at tatlong Filipino.

“I commend the troops of the Joint Task Force Sulu for their unfaltering conduct of intensified military operations which bear outstanding accomplishments,” pahayag ni WestMinCom commander Lt. Gen. Arnel B. Dela Vega.