Patay nang nang makita ng mga sundalo ang isa sa mga Indonesian kidnap victim ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Sa report ng Western Mindanao Command, nakita ng mga sundalo ang bangkay ng Indonesian kidnap victim sa may Brgy Maligay, Patikul, Sulu habang nagsasagawa combat operations ang mga sundalo laban sa mga nakatakas na Abu Sayyaf Group na kanilang nakasagupa kamakalawa.
Ayon kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr. batay sa report mula sa ground, nakatakas ang kidnap victim mula sa kaniyang mga kidnappers pero habang papalayo sa area ay pinagbabaril ito mga bandidong Abu Sayyaf.
Narekober ang bangkay ng nasabing Indonesian bandang 300 metro mula sa pinangyarihan ng engkwentro.
Nakatakda namang dalhin ang bangkay nito sa Zamboanga City.
Sa ngayon nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.
“We are yet to confirm before we reveal the full identity of the victim,” wika ni Lt.Gen. Vinluan.
Ayon naman kay JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales, kinumpirma ng kanilang intelligence officer na ang narekober na bangkay ay isang Indonesian base sa facial recognition.