Gagawa sa kasaysayan ang tatlong kababaihan na tumutugtog ng metal music sa Indonesia matapos na mapili silang magtanghal sa Glastonbury Festival sa England.
Ang Voice of Baceprot ay sumikat sa Indonesia dahil sa pagtugtog ng metal music sa high school.
Kinabibilangan ito nina Marsya sa guitars at vocals, Euis Siti Aisyah sa drums at bassists na si Widi Rahmawati.
Mahigit na 10 taon na nabuo ang grupo at sila ay sumikat sa Indonesia.
Ayon sa grupo na nagulat sila subalit kinabahan sila dahil sa wala silang idea kung ano ang nasabing festival.
Ilan sa mga sikat na singers humanga sa kanila gaya ni Tom Morello ng Rage Against the Machine at Flea ng Red Hot Chilli Peppers.
Ang Glastonbury festival ay sikat sa Europa kung saan mga malalaking pangalan sa banda at singer ang iniimbitahan kada taon.